Pilipinas – Ang Aking Paraiso
Isang sulat na pa tula tungkol sa Pilipinas.
Wika ng mga magulang ko: Maliban na lamang kung ikaw ay talagang mayaman, simple lang ang buhay, noong kanilang kabataan. Ikaw man ay sa siyudad o sa probinsiya naninirahan.
Pagkalipas ng ilang dekada marami nang nagbago. Ang buhay ay medyo raw umasenso. Kabi-kabila’y naglalakihang mga gusali ang iyong makikita. Kotse, SUV at meron ding kaunting limousine na naglipana. Hip na hip kung may Levis, Nokia, laptop at iPod ka pa.
Bakit sa kabila ng pag-asenso ay parang dumarami din ang nalulugmok sa kahirapan? Sabi ng iba: maging pulubi man ay masasaya. Subalit ito ang aking katanungan: Di mo ba naririnig ang mga hinaing ng nakararami? Di mo ba nararamdaman ang kanilang mga pagdurusa at pasakit? Bukambibig ng mamamayan ay “Bawal magkasakit”, at madadagdagan lang ang mga hinagpis.
————————
Kapag pinapanood ko itong video na ito, sumisikip ang dibdib ko at ako’y napapaluha. Sa mga isang kahig isang tuka – minsa’y kulang pa ang kinita para ibili ng pagkain ng pamilya.
Sana balang araw, ang lahat ay may sapat at masustansiyang pagkain. At ng hindi na nagtatalo-talo sa kakapiranggot na ulam na pinaghati-hati. Kumakalam na sikmura’y hindi na rin maririnig.
Dapat ang pagpapagamot o pagpapaospital ay abot-kaya ng nakararami. Malinis na inuming tubig ay hindi lamang sa mga may salapi. May kalidad na eskwela ay hindi lamang sa mga piling-pili.
Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Naniniwala ako na pagdating ng panahon ay mas uunlad pa ang bayan kong sinilangan. Pero sana ito ay akin pang maabutan.
Panoorin: Ito po yung lyrics.
Ipagpatuloy ang pagbabasa ‘Tula tungkol sa Pilipinas’